Mga Katangian Ng Wika?
Mga Katangian ng wika?
Wika
Ang wika ay isang masistemang balangkas. Sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo. Ito ay upang magamit ng mga taong kabilang o kasapi sa isang kultura o lipunan. Ang wika rin ay nakabatay sa kultura, nagbabago at dinamiko, at pantao. Ang instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang bayan o bansa.
Mga Katangian ng Wika:
- masistemang balangkas
- sinasalitang tunog
- pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
- pantao
- bahagi ng kultura
Ang wika ay masistemang balangkas. Ang bawat wika ay may tuntunin o sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Iang halimbawa ay ang pagbubuo ng mga pangungusap. Sa bawat gramatika ng wika may sistema ng tama o angkop na pagbabalangkas o pagbuo ng pangungusap. Ang bawat pangungusap ay may simuno at panaguri.
Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang pangunahing katangian at paglalarawan sa wika ay ito ay tunog. Tunog na kumakatawan sa ating mga ipinahahayag na ideya. Nililikha ang tunog sa pamamagitan ng mekanismo ng pagsasalita, kung kayat ito ay sinasalitang tunog. Ang bawat tunog na nililikhang ito ay makabuluhan sapagkat ito ay nagdadala o sumisimbolo sa mensahe upang magkaroon ng komunikasyon.
Ang wika ay arbitraryo. Sinasabing ang wika ay napagkasunduan at sinang - ayunan ng lahat. Ito ay isang katangian ng wika na masasabing napakahalaga sapagkat dito nakasalalay ang pagtatakda ng konteksto o pagpapakahulugan sa bawat salita ng isang wika.
Ang wika ay pantao na kabilang sa iisang kultura. Ang wika ay ang kasangkapan ng tao para sa ating gampanin at pagkamit ng ating mga pangangailangan kung kayat ang wika ay pantao.
Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay kolektibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kanyang kasaysayan. Sa wika makikilala ng bayan ang ang kanyang kultura at matututunan niyang angkinin at ipagmalaki.
Ano ang wika at bakit ito mahalaga: brainly.ph/question/2335982
#BrainlyEveryday
Comments
Post a Comment